SPEECH NI MYRA ANTOINETTE C. SALAMERO, CUM LAUDE GRADUATE NG BACHELOR OF SECONDARY EDUCATION AT BAGONG LICENSED PROFESSIONAL TEACHER, SA PAGTATAPOS NG 50 LASAMEÑO FAMILIES SA PANTAWID PAMILYA PILIPINO PROGRAM
To the approachable DSWD Regional Director Lucia Sulu-Alan, the 4Ps provincial and municipal links, the ever generous and supportive Mayor Dante Dexter A. Agatep, the equally hardworking SB Members, mga proud na magulang na recipents ng program at graduates, other visitors, at sa lahat ng naririto ngayon. A grateful day to each one of us.
Una sa lahat, gusto kong magpasalamat sa Diyos sa pagkakataon na ito, at sa inyo pong lahat na narito upang ipagdiwang ang tagumpay ng bawat isa sa atin. Today, as a fresh graduate with a Bachelor’s Degree of Secondary Education Major in Values Education and a newly licensed teacher, I stand before you with immense gratitude and excitement. I am thrilled to be a part of this milestone, and I believe that our journey has just begun. Let me share with you a guide to success, inspired by the 4Ps, not just the Pantawid Pamilyang Pilipino Program, but a set of principles that can help each one of us achieve our goals in life.
Apat na P rin po ang naging sikreto ko to be on this state or situation.
Puso: Sa bawat hakbang na ating tatahakin, mahalaga ang may puso sa ating ginagawa. Kapag may pagmamahal sa ating trabaho o ginagawa, at sa ating sarili, mas nagiging masigla at mas magaan ang paglalakbay natin. Let our hearts guide us to pour our passion into everything we do, and success will surely follow. Dahil sa pagmamahal sa atin ng mga kawani ng gobyerno, nagkaroon tayo ng pagkakataong mai-angat ang buhay ng bawat pamilya. Nakakatanggap tayo ng mga financial assistance na magagamit natin sa kabuhayan at sa pag aaral. Nagkakaroon din ng opurtunidad ang bawat beneficiary na graduate ng kolehiyo na makapasok sa trabaho dahil sa programang ito. Kaya naman, gusto kong sabihin sa mga anak ng benificiaries tulad ko, na isapuso natin ang lahat ng hakbang na ating gagawin upang makamtan ang ating pag unlad sa buhay.
Pagsisikap (Perseverance): Alam natin na hindi palaging madali ang buhay. Pero sa bawat pagkakadapa, may pagkakataong bumangon. Ang pagsisikap ay ang susi sa pag-abot ng mga pangarap natin. Isipin natin ang bawat pagsubok na dumadating ay isang hamon na dapat nating lampasan. Remember, "Kapag may tiyaga, may nilaga." Tatlo po kaming magkakapatid ako po yung panganay at lumaki ako sa hirap ng buhay nakita ko po yung pagpupursige ng aming mga magulang upang maigapang kami sa pag-aaral kaya naman maaga po akong namulat sa reyalidad na kung hindi ka magsisikap wala kang mararating. Noong highschool, naranasan ko pong magtinda ng yema, stick O, at chichiria upang may pandagdag sa baon.
Tuwing summer break naman nagpupunta po ako sa Baggao doon sa kapatid ng tatay ko sumasama ako sa pag-aani ng mais sa bundok upang may pambili ng mga notebook para hindi na mamroblema ang aking mga magulang sa pagbili ng mga notebooks, sapatos at bag. Apat na taon kong ginawa iyon hanggang grumadywet ng highschool. Pagkagraduate ko ng highschool taong 2012 hindi po muna ako tumuloy sa pag-aaral ng kolehiyo, nagtrabaho po ako doon ng dalawang taon upang makatulong sa pamilya ko at sa loob ng dalawang taon hindi parin nawawala ang kagustuhan kong makapagtapos ng pag-aaral kaya naman umuwi ako ng taong 2014 nag enroll ako sa CSU Lasam at kumuha ng kursong Food Technology, naudlot na naman yung pangarap ko.
Apat na taon ulit yung nakalipas bago ako bumalik sa pag-aaral sa tulong ng scholarship program, ng aking pamilya at maging ang aking kabiyak. Sa pagsisikap grumadweyt din ako sa wakas. Nagreview agad ako kahit na alam kong kulang yung tatlong buwan ng pagrereview at minsan din hindi ako nakakapasok sa review center kung saan ako nag-enroll kasi kapos sa pera pero hindi iyon naging hadlang para sa pangarap ko. Kailangan magsikap para sa pangarap, tiniis ko lahat ng iyon at pagkatapos ng tatlong buwang paghihintay nagbunga lahat ng hardworks at efforts na ginawa ko at nito lamang December 07, lumabas ang resulta ng exam at isa po ako sa nakapasa.
Pakikipagkapwa (Community). Hindi natin kayang makuha ang lahat ng ito nang mag-isa. Ang pagtutulungan at pagtitiwala sa isa't isa ay nagbibigay lakas sa ating lahat. Sa pagkakaroon ng magandang ugnayan sa ating kapwa, mas magiging masaya at makabuluhan ang ating buhay. Sabi nga sa isang qoute, "No man is an Island." Ang tao hindi yan nabubuhay ng mag isa, kailangan natin ang bawat isa. Tulad ko, hindi ko po nakamit ng mag isa ang tagumpay na ito bagkus nakamit ko po ito sa tulong ng aking pamilya, kaibigan, kakilala at sa mga taong may mabubuting puso na nakapaligid sa akin. Kaya naman gagamitin ko po ang pagkakataon na ipinagkaloob ng panginoon upang makatulong din sa mga taong nangangailangan. Mas masaya at magaan sa pakiramdam kapag ikaw ay tumutulong sa iyong kapwa, materyal man o hindi.
Pagtutulungan (Teamwork): Hindi lamang tayo nag-iisa sa landas ng buhay. Ang pagkakaroon ng malakas na samahan at kooperasyon ay mahalaga. Sabi nga, "Unity is strength." Kapag nagtutulungan tayo, mas madaling malampasan ang mga pagsubok na darating sa ating buhay. Suportahan natin ang bawat isa, magkaisa at sama sama tayong tahakin ang daan papunta sa magandang kinabukasan.Kaya naman nagpapasalamat po kami sa teamwork/ pagtutulungan ng DSWD at sa mga opisyal ng gobyerno na handang manglingkod sa bawat pamilyang narito ar sa kanyang mga nasasakupan.
Sa ating pag-akyat sa entablado ng buhay, isang kwento ng 4Ps ang ating piniling tibayin. Puso, Pagsisikap, Pakikipagkapwa, at Pagtutulungan–ito ang mga pundasyon na magbibigay saysay sa ating paglalakbay. Kaya't mga ka-gradweyt ng 4Ps, isama natin itong mga 4Ps na ito sa ating pangarap at tiyak na tagumpay ang ating mararating!
Sa ating mga magulang, salamat po sa inyong walang sawang suporta. Kayo ang nagbigay ng gabay at inspirasyon sa amin. At sa mga kapwa ko graduates, maglakbay tayo ng sama-sama, may puso, pagsisikap, pakikipagkapwa, at pagtutulungan.
Ako po si Myra Antoinette Cabaña Salamero, at isa ako sa mga nakapag-aral sa tulong ng 4Ps. Maraming salamat po at mabuhay tayong lahat!#