DANDEX 2022 Sports Tournaments Roundup

January 4, 2023

Sari-saring mga sports tournament ang idinaos sa Bayan ng Lasam noong huling bahagi ng taong 2022. Ang mga sporting event na ito ay ginanap sa ilalim ng DANDEX Sports Program ni Mayor Dante Dexter Agatep.

Nagsabay-sabay o sunod-sunod man ang mga DANDEX Sports Tournament na ito ay sinuportahan lahat ng Alkalde sa pagnanais niyang mapagbigyan ang lahat ng sektor na gustong bumawi sa isports matapos naging limitado ang mga ganitong aktibidad nung kasagsagan pa ng pandemya.

Nakaayon ang mga DANDEX sporting event na ito sa Natalged a Lasam Development Goal Pillar (NLDGP) para sa Athletic Development at sa kampanyang Buhay ay Ingatan Droga ay Ayawan (BIDA). 


Inter Highschool Volleyball


Sinalihan ang tournament na ito ng lahat ng mga high school dito sa Lasam na inorganisa ni SK Federation President Jerwin A. Manuel, LGU Committee Chairman of Sports and Youth Development.

Ginanap ang Awarding Ceremonies nuong Paskuhan ng Bayan Children’s Night. Inabot nina Mayor Dante Dexter A. Agatep, Budget Officer Jose Rebultan, Jr at Info Officer Renato “Bongpy” Paat, Jr. ang plake at cash prize ng mga winning team at mga individual winner.

Men’s Division
Champion ¬> Western Cagayan School of Arts (WCSAT)
First Runner-up > Nabannagan National High School (NHS)
Second Runner-up > Cabatacan NHS

Best Setter & Finals MVP > John Michael Magay of WCSAT
Best Libero > Steve Carl Castillejo of SLREI
Best Setter > Aaron Paredes of WCSAT
Best Spiker > Raymart Acoba of Nabannagan NHS
Best Server > Mark Kevin Acedo of Nabannagan NHS

Women’s Division
Champion > Western Cagayan School of Arts (WCSAT)
First Runner-up > Nabannagan National High School
Second Runner-up > Sicalao Integrated School

Best Libero > Razel Sebunga Sicalao Integrated School
Best Server > Jamila of Nabannagan NHS
Best Spiker > Rodeza Ancheta of WCSAT
Best Setter > Rose Ann Salamat of WCSAT


40 Above Inter Agency Battle of the Legends Basketball

Sa pakikipagtulungan kay LGU-Lasam Sports Coordinator Christian Cabantac, ang tournament na ito ay inisyatibo ng Lasam Referee’s Association na siya ring nag organisa ng katatapos lamang na 20 Under Interbarangay Basketball Tournament na pinanalunan ng Sicalao Panthers.

Ginanap ng Awarding Ceremonies noong Paskuhan ng Bayan Children’s Night. Inabot din nina Mayor Dante Dexter A. Agatep, Budget Officer Jose Rebultan, Jr. at Info Officer Renato “Bongpy” Paat, Jr. ang plake at cash prize ng mga winning team.

Champion > LGU-Natalged a Lasam
First Runner-up > Business Sector & Farmers Asso.
Second Runner-up > Uniformed Personnel (AFP/BFP/PNP)
Third Runner-up > CIASI/Kabalikat

MVP/Best Shooting Guard > Hennedy Yang
Best Center > Jeff Saquing
Best Power Forward > Wilmar Villena
Best Small Forward > Reymar Sagisi



First DANDEX Intercolor LGU Sportsfest

Ang kauna-unahang Inter-color Sports Festival ng LGU Lasam ay sinalihan ng apat na team na nagpagalingan sa larangan ng Basketball, Volleyball na may Men's at Women's Division, Badminton na may Mixed Doubles, Men's at Women's Division, at Mobile Legends. Binuksan ni Mayor Agatep ang sporting event na ito isang umaga noong Disyembre kung saan masayang nag-Zumba ang mga emplyeado ng LGU Lasam. Nagtagal ng tatlong linggo ang sportsfest na inorganisa ni Municipal Government Employees Association President Rodel Rafael-Deza. Ginanap ang Awarding Ceremonies noong gabi ng LGU Lasam Year End Assessment.

Over-all Champion > Team Berry Red

Basketball Champion > Team Berry Red
First Runner-up > Team Apple Green
Second Runner-up > Team Fuchsia Pink
Third Runner-up > Team Yellow

Volleyball Champion
Men > Team Berry Red
Women > Team Fuchsia Pink

Badminton Champion
Mixed Doubles> Team Berry Red
Men's > Team Berry Red
Women's > Team Apple Green

Mobile Legends (ML) Champion > Team Apple Green

Inter Town Invitational Volleyball

Bago pa man matapos ang 2022, ginanap naman ang Invitational Volleyball Tournament noong December 27-28 na sinalihan ng mga bayan ng Alcala, Claveria, Tuao, at ang home court ng Lasam.

Champion > Alcala
First Runner-up > Claveria 1
Second Runner-up > Claveria 2
Third Runner-up > Tuao

Best Libero > Jimuel Bueno of Tuao
Best Setter > Oliver Costales of Tuao
Best First Middle Blocker > Jherico Gutierrez

Ang lahat ng mga sporting event na organisado o suportado ng LGU Lasam ay nakapaloob sa DANDEX Sports program ni Mayor Dante Dexter Agatep.

Nakapagdaos na ng iba't ibang paliga na sinasalihan ng lahat ng barangay, gayundin ang DANDEX Bike Race at ang Color Fun Run, na pawang outdoor sports activity. Ang nahuli ay bilang bahagi ng Panagyaman ken Pammadayaw noong Hunyo 2022.

#

with photos and reporting from Mr. Renato “Bongpy” Paat, Jr. and Chem-chem Barut

RELATED NEWS

linkedin facebook pinterest youtube rss twitter instagram facebook-blank rss-blank linkedin-blank pinterest youtube twitter instagram