Programang Pangkalikasan, Ilulunsad

February 2, 2023

Ang mga suliranin sa kalikasan ay lumalala. Napapanood natin sa Internet at TV ang malawakang pagbabaha. At hindi nga ba’t sadyang napakainit na ng panahon kapag tag-araw? May maiaambag ang bawat Lasameño upang mapangalagaan ang kalikasan. Kaya sa February 15, ilulunsad ng LGU Lasam ang isang malawakang programang pangkalikasan ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO).

Sa pangunguna ni MENRO Chief, Engr. Elsbeth Merin, ang sentro ng programang ito ay ang “Ayuda sa Basura: Basurang Plastik, Bigas ang Kapalit." Hangarin ng programang ito na magawang "way of life" at ordinaryong gawain lamang ng bawat Lasameño ang pagse-segregate ng basura. Ang matitirang non-biodegradable at non-recyclable sa mga kabahayan, opisina, at ibang establishment ay siyang kokoletaktahin at may bigas na kapalit kada kilo nito.

Si Mayor Dante Dexter Agatep noong stakeholders meeting, nasa likod niya sina MPDC Architect Rodel Urian at SB Member Emmanuel Agatep, Chair ng Committee on Environment and Natural Resources.

Ipinaalala naman ni SB-Member Emmanuel Agatep, Chairperson ng Committee on Environmental and Natural Resources, na ang programang pangkalikasang "Ayuda sa Basura" ay nakatuon sa pinakaunang adhikain ng NATALGED A LASAM na: Natural Resources, Built-up Environmental Protection and Conservation.

Sa ginanap na stakeholders meeting noong January 31, 2023 sa Natalged a Lasam  Multipurpose Building, inaprubahan ni Mayor Dante Dexter Agatep itong:

MGA GAWAIN PARA SA PAGLULUNSAD NG "AYUDA SA BASURA"

*MOTORCADE palibot ng Lasam > Assembly @ Natalged Park; Departure 7:00 AM

*TREE-PLANTING > Sicalo Highest Point

*CLEAN-UP DRIVE > Sirok ti Rangtay, Sicalao

*TESTIMONYA NG BEST PRACTICES > Composting, Recycling, etc.

*PANUNUMPA SA KALIKASAN bago MAG-PICNIC LUNCH

Ito ang pang-unang mechanics ng “Ayuda sa Basura: Basurang Plastik, Bigas ang Kapalit.”

* Papalitan ng 3 kilos ng bigas ang bawat 1 kilo ng malinis na mga plastic.

* Magkakaroon ng buwanang schedule ng pagpapalitan para sa “Ayuda sa Basura” sa bawat barangay.  

Nagwika si Municipal Local Government Officer Reenie Heidy C. Tollo na kakaiba ang programang pangkalikasan ng Natalged a Lasam sa mga ibang LGU at nakikita niyang magtatagumpay ito. #


RELATED NEWS

linkedin facebook pinterest youtube rss twitter instagram facebook-blank rss-blank linkedin-blank pinterest youtube twitter instagram