May Bagong Officers ang Lasam Cacao Growers Association

February 16, 2023

Pumili ng bagong pamunuan ang mga miyembro Lasam Cacao Growers Association (LCGA) nito lamang Pebrero 16, 2023.

Pinangasiwaan nina Municipal Budget Officer Jose Rebultan, Jr., Municipal Planning and Development Coordinator Rodel Urian, at SB Member Lilibeth B. del Rosario, Chairperson ng Komite ng Agrikultura, ang eleksyong ginanap sa Natalged a Lasam Multipurpose Building.

Agad na pinanumpa ni Mayor Dante Dexter A. Agatep ang mga sumusunod na opisyales ng LCGA na magsisilbi sa loob ng limang taon.

Inaasahang tutulong sa pagtataguyod ang bagong pamunuan ng asosasyon sa pagsulong ng industriya ng cacao rito sa Bayan ng Lasam.

Sa paghahangad ni Mayor Agatep na maparami ang magsasaka ng cacao, inilahad niyang may nakahandang budget ang lokal na pamahalaan para magkaroon ng processing facilities para sa bagong aning cacao. Mahalaga ito upang mas malaki ang kikitain ng magsasaka ng cacao.

Dumalo rin sina Executive Assistant Isabella G. Lozada, Municipal Agriculturist Carmelita Rivera, at High Value Crops Focal Person Jailborn Pasion sa naganap na pagbobotohan. #

RELATED NEWS

linkedin facebook pinterest youtube rss twitter instagram facebook-blank rss-blank linkedin-blank pinterest youtube twitter instagram