Sari-saring Tulong Upang Makapag-aral

May 13, 2023

Magulang ka bang nangangailangan ng tulong sa pagpapaaral ng anak? O ikaw ba ay isang mag-aaral mula sa karaniwang pamilyang nangangailan ng assistance?

Unang-una, ang pamahalaan ay nagbibigay ng oportunidad sa bawat mamamayan mula gradeschool hanggang kolehiyo upang makapag-aral sa mga pampublikong paaralan. Libre ang mag-aral sa state colleges at universities (SUCs) basta maipasa ang College Admission Test. At kung hindi ka makapasok sa isang SUC, mayroong Alternative Learning System at TESDA upang matuto ng skills na may certification.

Programang Pantawid sa Pamilyang Pilipino
Ang 4Ps na pinangangasiwaan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ay naglalayong matulungan ang maraming pamilya upang mapanatili ang mga anak sa paaralan hanggang makatapos ng kolehiyo. Hangarin din ng 4Ps na masuportahan ang pangkalusugang pangangailangan ng mga ito.

Dito sa Lasam, may mga nakapagtapos na at naging professional mula sa mga pamilyang beneficiary ng 4Ps. Dalawa rito ay sina Vilmer T. Tomas at Grace Lyn G. Laureta na pareho nang employed at nakatutulong sa kanilang pamilya.


Municipal Educational Assistance

May ilang support mechanism din ang Munisipyo upang makapag-aral sa high school. Itinataguyod ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ang pagbibigay ng educational assistance sa mga sumusunod:

* mga may kapansanan o PWD;
* mga indigenous people (IP); at
* may kalagayang gaya ng pagiging caregiver ng immobile senior citizen.

May programa rin ang Local Youth Development Office upang mabigyan ang ilang mag-aaral na deserving Junior at Senior High School sa mga public schools ng P 500 kada buwan.

Para sa college naman, nagpapatuloy ang inumpisahan ni Mayor Dante Dexter Agatep na Natalged a Lasam Educational Assistance (NALEA) nuong siya ay unang naupong alkalde, kung saan nagbibigay ng P 3,000 kada semestre sa mga napiling recipients.

Congressional o Provincial Assistance
Nito lamang May 6, 2023, tumanggap ang 1,620 na college students dito sa Lasam ng P4,000 na educational assistance mula sa programa ni Congw. Baby Aline Vargas Alfonso sa pakikipagtulungan ng DSWD.

Mayroon ding educational assistance program ang provincial government para sa mga valedictorian sa high school.

Mga College Scholarship

Kung ikaw ay nasa Senior High School at may magandang grades, mabuting mag-research ka ng mga scholarship grant na ibinibigay ng CHED, DOST, at iba pang ahensiya ng gobyerno, gayundin ng ilang private institutions.

Sa huli, kung kumbinsido tayong ang edukasyon ang susi sa pagkakapantay-pantay ng mahihirap at mayayaman ito ay dapat pagpupursigihan.#

Text and photos by A. Ursua


RELATED NEWS

linkedin facebook pinterest youtube rss twitter instagram facebook-blank rss-blank linkedin-blank pinterest youtube twitter instagram