Nahirang na bagong Binibining Lasam 2023 si Nataly Uel Pasion na tubong Barangay Alannay sa ginanap na Binibining Lasam 2023 sa Natalged A Lasam Arena, nitong gabi ng 125th Year Anniversary ng Araw ng Kalayaan, June 12, 2023.
Pinatunayan ni Pasion na isa siya sa paborito na manalo ng korona matapos magpakitang gilas sa Swimsuit Round Competition, Modern Filipiniaña, at Question and Answer Portion dahilan upang mapasama siya sa Top 10.
Sa final round, tinanong siya ni Angela Taloza kung ano ang kanyang opinyon sa hashtag na #BeautyWithAPurpose at ito ang kanyang naging winning answer:
"I, myself, standing here in front of you not just bringing beauty but brains, and also my advocacy talks about environmental preservation. As a BS Biology student, we learn how organisms process lives, so in that way, I know how we can preserve [the environment], and I am using my voice right now to be a responsible citizen in our beloved Lasam, and in our beloved country. Be the voice, be the person, and make change in our world".
Napasakamay rin ni Pasion ang P50,000 cash prize at ang titulong Best Ramp Model.
Samantala, naging matagumpay naman ang kandidata ng Centro 2 na si Jasmine Joy De Yro, former Ms. Intramurals ng WCSAT, na makamit ang Binibining Natalged habang ang pambato ng Centro 1 na si Julianna Del Rosario, former Campus Idol 2018 ang nanalong Binibining Turismo 2023.
Sa kabilang dako, naging matamis din ang takbo ng gabi para kay Cabatacan East candidate Cherrie Lou Inovejas matapos itong humakot ng minor and special awards upang makapasok sa Top 10 at makuha ang 1st runner up. Tinanghal si Inovejas na Ms. Top 1, Ms. Tapas Choice Award, Ms. Photogenic at Best in Creative Attire.
Hindi naman nagpahuli si Mhelody Castillo, dating Ms. CSU Lasam, na kumatawan sa Brgy. New Orlins matapos siyang maitalaga bilang 2nd runner up.
Pinasalamatan din nina Mayor Dante Dexter Agatep at Vice Mayor Randy Cambe ang mga barangay captains sa programa dahil sa kumpletong partisipasyon ng lahat ng barangay sa naturang event.
"Malaking pasasalamat ko sa mga barangay captains dahil 30 out of 30 barangays ay merong kandidata" tugon ni Mayor Agatep.
Nag-abot din siya ng papuri sa Pageant Director at Lasam Municipal Tourism Officer na si Elmer A. Acierto sa naging maayos na takbo ng programa, sa production staff, at mga major sponsors:
Angela Taloza Collections
Tapas Bamboo Grill
Top1 Shopping
Ms. Elizabeth Viloria
Ms. Janice Ragutero
Roadside Farm
Contributed by Norielle D. Pastor