Gaya nang pagsaliw sa kumpas ng isang sayaw, nakikisabay sa pagsusulong ng iba’t ibang adhikain ng NATALGED A LASAM ang Local Women Council.
Co-chaired by Head of Legislative Committees for Agriculture and Social Services, SB Lilibeth B. del Rosario, binubuo ang Natalged Women Council ng multi-sectoral women leaders mula business, education o health at represented din ang bawat 30 barangays. Being the Local Chief Executive, si Mayor Dante Dexter A. Agatep, Jr. ang Council Chair.
Katuwang ng Municipal Social Welfare and Development Office headed by Mrs. Nenita D. Macaspac ang Natalged Women Council sa pagkakaroon ng access to social services hindi lang para sa family, women and children, PWDs o Senior Citizens, kundi ng mas maraming Lasameño.
Kung susuriin itong Natalged A Lasam Development Goal Pillars na siyang gabay o battlecry ng pamunuan ni Mayor Agatep, sinisikap ang wholistic na pagtataguyod nito ng Natalged Women sa pamamagitan ng aktibong partisipasyon sa:
WOMEN EMPOWERMENT. Magdadalawang taon nang pinangungunahan ng Natalged Women ang pagbibigay importansiya sa kapakanan at karapatan ng mga Lasameña. Isinasakatuparan ito sa pagdadaos ng masisiglang gathering gaya ng nakaraang Women Empowerment Seminar at International Women’s Day last March.
LIVELIHOOD DEVELOPMENT. Ilaw man ng tahanan ang pangunahing turing sa mga Nanay, hinihikayat ang mga ito ng Natalged Women Council upang magkaroon ng livelihood. Ngayon, ilang mga barangay ang may sustainable livelihood projects para sa mga kababaihan.
KALINISAN AT HAPAG SA BAGONG PILIPINAS. As expected, malaki ang partisipasyon ng Natalged Women para sa kalinisan sa bawat sona ng mga barangay. Idagdag na rin dito ang partisipasyon sa programang Halina at Magtanim ng Prutas at Gulay o HAPAG. 👉https://www.facebook.com/share/r/hSe4UecbtkQT1LiG/?mibextid=UalRPS
EARLY AT INCLUSIVE EDUCATION. Majority pa rin ang women educators kung kaya may tutok na atensyon sa early childhood education and nutrition. Sinisikap din ng Natalged Women kung paano mas mapabilang ang mga differently-able sa normal schooling.
PWD RIGHTS. Sa halos 1,000 documented Persons With Disabilities dito sa Bayang Lasam, katuwang ang Natalged Women in championing the rights and welfare of Lasameño PWDs.
ANTI-VAWC. Sa mga information drive o pagtatalakay kung paano mapangalagaan o maproteksyunan ang mga vulnerable women and children laban sa karahasan, pumapagitna palagi ang Natalged Women.
Ilan lamang ang mga ito sa mga aktibong involvement ng Natalged Women para sa wholistic community development, alinsunod sa mga adhikain para sa bayang NATALGED A LASAM.
—A. Ursua