Parehong Atensyon sa Early Childhood at Elderly Constituents

November 7, 2024


PROGRAMS, PROJECTS AND ACTIVITIES FOR THE YOUNG

Alinsunod sa pagpapalawig sa foundational reading skills ng DepEd, kasama ang early learners sa mga binabasahan at pinahihiram ng storybooks sa programang "Feed the Body, Feed the Mind," authored by SB Lilibeth B. del Rosario, Committee Chair of Social Services.

"Bulilit Lakbay-aral," isang activity para sa lahat ng early childhood learners kung saan welcome ang mga ito sa opisina ng Ama ng Bayan.
Focal Person for Children Gerlyn R. Yang with Mrs. Nenita D. Macaspac, RSW and Sta. Teresita MSWDO Marivic T. Viesta, Resource Speaker of latest ECCD Seminar-Workshop among CDWs of the Municipality of Lasam.

Sa pamamagitan ng Municipal Social Welfare and Development Office, headed by Nenita D. Macaspac, RSW, may sari-saring programs, projects, at activities ang LGU-Lasam para sa ikauunlad ng bawat Lasameño. Pinag-iibayo ang pantay-pantay na atensyon ng pamunuan ni Mayor Dante Dexter A. Agatep, Jr. sa lahat ng sector ng mamamayan ng Lasam—at nitong huli, ang kanyang young at elderly constituents.

Nito lamang October 2024, idinaos ang isang Early Childhood Care and Development Workshop para sa lahat ng child development workers ng Munisipalidad. Layunin ng two-day seminar na ma-equip or ma-familiairize ang CDWs sa bagong ECCD system at Early Learning Curriculum. 

At noong June, nag-take part din ang CDWs sa two-day Reading Aloud Seminar with resource speakers from the UP-Diliman College of Education upang mas ma-enganyo nila ang kanilang learners sa mga kwentong pambata at maging mapag-basa para sa functional literacy development.

Ang nahuling pagdiriwang ng National Children's Month


PROGRAMS, PROJECTS AND ACTIVITIES FOR THE ELDERLY

Sa elderly o senior citizens naman, katuwang ng MSWDO and Office of Senior Citizens Affairs, headed by Mrs. Grace A. Farinas upang bigyan ng katumbas na attnetion ang sector na ito.

May masigla ang komunidad ng seniors ang Bayan ng Lasam. Makikita ito sa regular nilang mga gathering. Nitong October 29, kasagsagan ng bagyong Leon noong idinaos nila ang kanilang "Elderly Filipino Week Celebration" sa Natalged a Lasam Arena, kung saan marami pa rin ang dumalo.

Sa parehong pagbibigay-katwiran nina Mrs. Macaspac at Mrs. Farinas, nakapagdudulot din ng kasiyahan ang programang Pa-Birthday Handog sa mga Senior Citizen. Hindi man taun-taon, may munting sorpresa ang LGU kina Lolo at Lola. Nauunang maregaluhan ang mas nakatatanda.







RELATED NEWS

linkedin facebook pinterest youtube rss twitter instagram facebook-blank rss-blank linkedin-blank pinterest youtube twitter instagram