Nasa Ating Gawi ang Sagot sa Suliranin sa Basura

January 14, 2025

Para sa isang bayang may sumisiglang ekonomiya tulad ng Bayan ng Lasam, tila ba kaakibat ng pag-unlad ang suliranin sa basura. Ngunit kung ito ay ating iisiping mabuti, dapat nga ba nating maging problema ang basura?

Kalinisan Drive sa mga Barangay. Nagpapatuloy ang Kalinisan sa Bagong Pilipinas na inilunsad ng Department of Interior and Local Government nationwide, isang taon na ang nakalilipas. Ginagawa pa rin ito ng mga residente sa barangay tuwing unang Sabado ng buwan.

Rain or shine cleanup sa Centro 3

Sinasabayan din ito ng pag-asikaso o patuloy na pagtatanim ng mamamayan alinsunod sa programang HAPAG: Halina’t Magtanim ng Prutas at Gulay sa mga bakanteng lote sa barangay.

Segregation sa Pinagmumulan ng Basura. May dalawang pangunahing kategorya ng basura: nabubulok at di-nabubulok na parehong may kanya-kanyang subcategories.

May orientasyon dapat ang bawat miyembro ng pamilya sa tamang garbage segregation at may nakalaang gamit para rito upang mapadadali ang garbage disposal.

Composting para sa Backyard o Zonal Gardens. Karaniwang ang isang household ay may backyard garden, ornamental o gulayan man, kaya mainam na makapag-umpisa ng composting para sa nabubulok na basura.

Kung may semi-annual o quarterly batch ng compost, may sustainable supply ng organic fertilizer para sa sariling backyard o zonal garden.

Makipag-ugnayan sa Municipal Agriculture Office para sa tamang setup sa pag-uumpisa ng composting. Ilang mga barangay na ngayon ay may composting facility, under the supervision of MAO.

Isang kagamitan sa composting mula sa DA

Solid Waste Recylcing. May ilang sub-categories ang nonbiodegradable wastes: bote, plastic, lata, dangerous wastes. Ang mga wala ng pakinabang ay dapat ipunin at ideposito sa Material Recovery Facility ng inyong barangay. Magiging unsightly at unhealthy kung mananatili ang mga ito sa inyong bahay o bakuran.

Marapat makipag-ugnayan sa MENRO ang mga barangay-in-charge para sa solid waste collection

Pinangangasiwaan ng MENRO: Municipal Environment and Natural Resources Office ang segregated solid wastes.

CLAYGO, Clean Living. Narinig mo na ba ang expression na CLean As You GO? Katulad din ito ng Clean Living na mindset para sa physical well-being .

Magandang isabuhay ng buong pamilya ang CLAYGO, gaya ng paguwi ng biscuit wrapper kung walang makitang garbage segregation bins.

Kung magagawang gawi o habit ang CLAYGO, segregation, at composting, hindi magiging problema ang basura.

—A. Ursua

RELATED NEWS

linkedin facebook pinterest youtube rss twitter instagram facebook-blank rss-blank linkedin-blank pinterest youtube twitter instagram