Mayor Agatep, Nanumpa para sa Huling Termino; Bise Alkalde at 7 SB Members, Nanumpa Rin

June 16, 2025

Makasaysayan ang panunumpa ng mga bagong-halal na municipal officials, led by Mayor Dante Dexter A. Agatep, Jr. para sa kanyang pangatlo at huling termino. Itinaon kasi ito sa pagdiriwang ng ika-75th Anniversary ng Aldaw ti Lasam, nitong June 13, 2025 na ginanap sa Natalged a Lasam Arena.

Si Regional Trial Court Judge Ramses S. Peralta ng RTC Branch 07-Aparri ang Inducting Officer. Pinanumpa rin ng Judge si Vice Mayor-elect Dannah Paula T. Agatep, panganay na anak ni Mayor Agatep, at pitong nanalong kaalyadong Sangguniang Bayan members.

Bago ang kanilang oathtaking, nagsunod-sunod sa processional sina:
Hon. Emmanuel F. Agatep
Hon. Lilibeth B. del Rosario
Hon. Felix A. Gerardo, Jr.
Hon. Wilson M. Constantino
Hon. Reynaldo A. Viernes
Hon. Randy C. Cambe
Hon. Renato R. Paat, Jr.


Kasama ng pitong bagong-halal na SB member ang ilang malapit na kapamilya at nagkaroon ang bawat isa ng pagkakataong magpasalamat at ilatag ang kaniya-kanyang priority legislative agenda.

Sumunod na nag-march paakyat ng stage si Vice Mayor Dannah Paula Tallog Agatep kasama ang malapit na kamag-anak.

Sa kanyang inaugural speech, inilarawan niya ang dahilan ng kanyang desisyong mag 360-turn mula sa pangakong susunod sana sa yapak ng ina, upang sa halip ay pasukin ang pagseserbisyo publiko, gaya ng kanyang ama. Ito ay matapos ang kanyang exposure sa LGU nang ito ay nanilbihang executive assistant, pagka-graduate ng kolehiyo sa University of Santo Tomas.

Huling nag-march sina Mayor and Mrs. Agatep, dalawa pang anak, ina at mga kapatid ng Alkalde. Sa inaugural speech ni Mayor Agatep, pinasadahan niya ang highlight ng kanyang accomplishments sa nagdaang dalawang termino, katulad nuong kanyang State of the Municipality Address nitong January 20, 2025.


Para sa kanyang susunod at huling panunungkulan simula July 1st, ito ang simple ngunit kongkretong plan of action ni Mayor Agatep:

“Sa bawat proyektong matatapos, may pamilyang giginhawa; sa bawat programang isusulong, may isang taong mababago ang buhay; at sa bawat Lasameñong mapagsisilbihan ng tama at tapat, may mabubuong tiwala at dignidad.”

Tumayong witnesses ang buong Liga ng mga Barangay ng Bayan ng Lasam, headed by Callao Norte Punong Barangay Dominador T. Cortez, Jr.

Inihayag din ni Mayor Agatep na ang kanyang paninilbihan sa Bayan ng Lasam ng tatlong termino ay isang natatanging karangalan sa kanyang tanang buhay.

Sa kanyang pagtatapos, nagbigay-pugay ang Alkalde sa yumaong anak ng Lasam, si Atty. Edgar R. Lara ang may-akda sa batas ng Aldaw ti Lasam, isang special local non-working holiday tuwing June 13. Tanging si Atty. Lara pa lamang ang congressman at governor na tubong-Lasam.#

—A. Ursua 📸 Jurado Digital Studios

RELATED NEWS

linkedin facebook pinterest youtube rss twitter instagram facebook-blank rss-blank linkedin-blank pinterest youtube twitter instagram