DOT at DTI Directors, Kaisa sa Pag-usad ng Bayang Lasam

August 20, 2025

Maagang dumating para sa traditional Monday Flagraising Ceremony si Department of Tourism Regional Director Troy Alexander Miano nitong August 18 at sumunod naman kinahapunan si Department of Trade and Industry Provincial Director Mary Ann Corpuz-Dy.

Sa magkahiwalay na meeting with LGU executive and legislative officials, led by Mayor Dante Dexter A. Agatep at Vice Mayor Dannah Paula T. Agatep, tinalakay ang iba’t ibang issues and concerns, mga hakbangin, at rekomendasyon ukol sa pagdevelop ng turismo at paglago ng pagnenegosyo sa maituturing na interior ngunit First Class Municipality of Lasam.

Lasam: Isang Ecotourism Magnet. Ayon kay RD Miano, maganda ang potential ng nature-based tourism dito sa Bayan ng Lasam. At sinabing malaki ang papel ng local leaders upang maging full-pledged tourist attractions ang ilang ecotourism sites.

Mga Kweba at Talon. Dumarami ang mga bagong-tuklas na kweba sa Barangay Sicalao. Tiyak na maipagmamalaki ang mga ito, ngunit kailangang ma-recognize na attraction muna ng concerned government authorities.

Ilang water attractions ang matatagpuan sa ating forested areas ang na-showcase na sa social media, tulad ng Sicalo de Abot. Ang hari ng mga waterfalls ng Lasam marahil ay ang Pinsal Falls sa Cabatacan.

Infrastructure Dev’t. para sa Turismo. Naging priority ang Farm-to-Market Roads sa infrastructure development ng pamunuan ni Mayor Agatep para sa pagdaloy ng products and services to and from the barangays. Pagwiwika ng Alkalde, “magiging priority na rin ang infra para sa magiging full-fledged o recognized tourist attractions sa ating Bayang Lasam.” 

LOVE LASAM. Pakikiisa ito sa LOVE THE PHILIPPINES campaign ng Department of Tourism. Pagbibida ni Municipal Tourism Officer Elmer A. Acierto, "madami naman talagang reasons to love Lasam, hindi mabibilang pero lampas sa 75 yan."

LaSarap, Iba pang Pride of Lasam Products. Todo ang suporta ng Department of Trade and Industry sa mga ipinagmamalaking produkto ng Bayang Lasam.

Sa meeting kay DTI-Provincial Director Corpuz-Dy ng LGU officials, nagbigay ito ilang mungkahi upang maging sustenable ang mga industriya ng bamboo, cacao, coconut, at iba pa.

Ang pagkamit ng First Economic Class ng Bayang Lasam ay hindi madali at kailangan itong pangalagaan. Malaking salik ang tourism at iba’t ibang lokal na industriya. Napakainam na may sapat na support mechanism ang national agencies tulad ng DOT at DTI.#

—A. Ursua

RELATED NEWS

linkedin facebook pinterest youtube rss twitter instagram facebook-blank rss-blank linkedin-blank pinterest youtube twitter instagram