Ang MADAC at MDRRMC sa Buhay ng mga Lasameño

August 5, 2025


Parehong nationally-recognized ang Municipal Anti-Drugs Abuse Council at Municipal Disaster and Risk Reduction Management Council dahil sa masigasig nitong pangangalaga sa mamamayang Lasameño.

Matapos ang pag-step up ng pamunuan ni Mayor Dante Dexter A. Agatep sa anti-drugs abuse campaign dito sa Bayan ng Lasam, sunod-sunod ang mga taon siyang umaakyat sa national o regional stage, kasama ang ibang LGU officials, upang tanggapin ang pagkilala sa MADAC-Lasam bilang "Highly Functional."

Dahil sa MDRRMC, "Highly Compliant" noong 2022 at two-time "Beyond Compliant" Gawad KALASAG National Awardee ang Bayan ng Lasam sa taong 2023 at 2024. Ang pakilala ay nagpapatunay sa disaster resiliency at maayos na humanitarian and recovery efforts sa panahon ng sakuna sa ating Munisipalidad.

MADAC-BADAC. Dapat sustainable o nagpapatuloy ang anti-drugs efforts dahil kabataan ang karaniwang nasasangkot at sa behavioral nature ng drugs use. Sa tulong ng Philippine (Anti) Drugs Enforcement Agency o PDEA, pinag-iibayo pa ng MADAC ang anti-drugs abuse campaign; pinalalakas ito sa capacitation ng bawat Barangay Anti-Drugs Abuse Council. Dahil sa BADAC, magiging mas mabisa ang kampanya laban sa pagpapalaganap at paggamit ng bawal na gamot

Drug-Free Workplaces. Magdadalawang taon ng drug-free workplaces ang LGU-Lasam at PNP-Lasam. Mahalaga ito para sa moral ascendancy o pag-momodelo ng mga kawani ng pamahalaan para sa malinis at malusog na pamumuhay ng Lasameños.

Drug-Free Municipality. Sa lumipas, naging mababa ang reputasyon ang ating bayan pagdating sa drugs kaya isa ang pagiging drug-free municipality sa mga adhikain ng NATALGED A LASAM. Ito ay mahalaga para sa kaayusan ng pamilyang Lasameño at ng ating komunidad upang tuloy-tuloy ang pag-asenso ng Bayang Lasam.

MDRRMC-BDRRMC. May established cooperation ang ating Municipal Council at bawat committee sa mga barangay para sa disaster resiliency at humanitarian and property recovery pagkatapos ng sakuna.

Gawad TALGED. On-going ang taunang monitoring and evaluation sa disaster management practices ng bawat 30 barangay. Ang Gawad TALGED ay pagkilala at bilang pag-sesegurong may kakayanan ang BDRRMC na umaksyon sa panahon ng bagyo, lindol, sunog, vehicular accident, o iba pang sakuna.

Rescuelympics. Binibigyan ng spirit of fun ang event na ito ang training para agarang rescue and recovery efforts. Nag-umpisa sa inter-agency, inter-SK, at ngayon naman inter-BDRRMC at may inter-school pa. Ayon kay MDRRM Officer Rudy T. Urian, RN: "ang maagang pag-equip sa junior rescuers ay tungo sa pag-sasakultura o gawing way of life ang disaster resiliency."

Sa kabila ng mga pagkilala at pa-contest, ang mga gawain ng MDAC at BDAC; ng MDRRMC at BDRRMC, ay pawang naglalayong mapagtagumpayan ang suliranin sa drugs at iba't ibang sakuna rito sa Bayang Natalged a Lasam. #

RELATED NEWS

linkedin facebook pinterest youtube rss twitter instagram facebook-blank rss-blank linkedin-blank pinterest youtube twitter instagram