Ang Agri-Town ng Lasam Ngayong Second Rice Cropping

October 6, 2023

Nasa kalagitnaan ng second cropping ang karamihang farmers, habang paumpisa naman ng anihan ang ilan ngayong second rice cropping. Tampok ang ilang developments sa rice agriculture dito sa Bayan ng Lasam, ang tinaguriang Rice Basket ng Western Cagayan.

ANG MUNICIPAL AGRICULTURAL SERVICES OFFICE. Nakaalalay ang MASO sa mahigit anim na libong rice farmers ng Lasam. Pinangangasiwaan nito ng Registry System of Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) upang maayos ang serbisyo sa mga magsasaka gaya ng pamamahagi ng libreng binhi, fertilizer discount vouchers, minimum insurance, at technical assistance hanggang makapagbenta ng ani.

IN-BRED O HYBRID RICE SEEDS AT FDV. May allotment ng libreng binhi mula sa Department of Agriculture ang RSBSA-registered farmers ng Lasam. Kalimitang mas marami ang naipapamahaging inbred na binhi kaya mas kokonting farmers ang naghahati-hati ng hybrid seeds sa bawat barangay. Kung nais bumili ng hybrid seeds ang isang farmer dapat matiyak ang quality nito.

May katumbas ding fertilizer discount voucher (FDV) na natatanggap ang isang farmer base sa rehistradong laki ng sinasaka nito at kung inbred o hybrid ba ang napuntang binhi sa kanya.

ILANG SULIRANIN NITONG SECOND CROPPING. Magkasunod na nanalasa ang Bagyong Egay at Goring. Halos katatanim pa lamang ng karamihan noong dumaan ang Bagyong Egay kaya't maraming magsasaka ang nag-report ng nasalantang sakahan. Kaagapay naman ang MASO sa pagsasaayos ng crop insurance ng mga lubos na naapektuhan ng bagyo.

TECHNICAL ASSISTANCE. Trained sa rice agriculture ang mga kawani ng MASO. Kung may napansing naguumpisang sakit ang palayan, ipagbigay-alam o sumangguni kaagad sa barangay o direkta sa MASO upang ito ang maagapan.

Hinihikayat naman ang pagte-train bilang scholar sa isang Agricultural Training Institute (ATI) ng mismo o isang family member ng RSBSA-registered farmer upang ma-update ang kaalaman sa rice farming. Itinuturo rito ang paghahanda, pangangalaga ng pananim, kung paano puksain ang peste at sakit, gayundin ang tamang pag-aabono.

Itinataong halos kasabay sa cropping ang pag-uumpisa ng training sa mga ATI upang sabay na ang application ng matutunan at ang mentoring sa trainee-farmers.

RICE SEED GROWERS, MAS KUMIKITA. May ilang Certified Rice Seed Growers ang Lasam. Ang mga ito ay nagtrain upang maging sertipikado. Ilan sa kanila ay magsasampung taon nang nagtatanim ng palay upang sila ay maging supplier ng good quality rice seeds:

Flor Bulusan - New Orlins
Celso Paguirigan - Peru
Edna Quebral - Nabannagan West
Wilson Quebral - Nabannagan West
Simeon Acob - Nabannagan East
Clifford Ramil - Alannay
Alfredo Tugas - Gabun
Regieal Miguel na isa ring kawani ng MASO

Doble ang kita ng mga rice seed grower sa pagbebenta ng binhi kaysa kung ibebenta ang ani sa mga grains dealer o sa National Food Authority (NFA).

MAS MATAAS NA BENTAHAN KADA KILO. Nitong September, nabebenta ang mga bagong aning palay sa mas mahal na presyo kada kilo dahil din sa rice supply situation ng bansa.

Ngayong buwan ng October naglabas ang National Food Authority ng guidelines ukol sa pagbibigay nito ng Buffer Stocking Incentive (BSI) kada kilo ng palay na bibilhin. 

Layunin nitong mahikayat ang local farmers na sa NFA ibenta ang ani upang magkaroon ng sapat na supply ng bigas mismo sa kanilang lugar. Aabot na sa Php 23.00 ang presyo ng kada kilong clean/dry na palay sa NFA.#

RELATED NEWS

linkedin facebook pinterest youtube rss twitter instagram facebook-blank rss-blank linkedin-blank pinterest youtube twitter instagram