Bagong Cagayan Governor, Pinulong ang Lasam Barangay at Municipal Officials

July 2, 2025

Mainit na tinanggap nina Mayor Dante Dexter A. Agatep and Vice Mayor Dannah Paula T. Agatep, kasama ang SB Members, Punong Barangays, at iba pang municipal officials si bagong upong Governor Edgar B. Aglipay sa ABC Building, Centro 2, Lasam nitong umaga ng July 2, 2025.


Isa-isa munang ipinakilalala ni Mayor Agatep ang bawat LGU official, bago nag-preside ang Gobernador. “Tatay o Manong Egay lamang gusto kong itawag sa akin, wala ng iba,” pagdidiin niya.

BAGONG CAGAYAN SA BAGONG PILIPINAS. Dumating ang Ama ng Lalawigan para sa isang goodwill visit at upang humikayat ng kooperasyon.

Ani Tatay Egay: “Tayo ay nasa Bagong Pilipinas, kaya dapat manaig din ang Bagong Cagayan."

EKONOMIYA, BIBIGYANG IMPORTANSIYA. Nagbigay ng paglalarawan si Tatay Egay sa macro-economics ng bansa, bago inilahad ang kalagayan ng ekonomiya ng Lalawigan.

Humuhikayat ito ng kooperasyon sa LGU officials para sa paglago ng ekonomiya ng Cagayan; upang mas maraming maipaabot na serbisyo publiko sa mga barangay.

UMIKOT SA MGA BARANGAY. Sumunod na inilahad ni Tatay Egay ang nasagap na kalagayan sa grassroots matapos ang kanyang pag-iikot sa buong lalawigan. Aniya, "maraming pangangailangan ang dapat nating matugunan."


ILANG PUNONG BARANGAY, NAGPAHAYAG NG REQUEST. Pinatayo ni Tatay Egay ang mga punong barangay na may pangangailangan para sa constituents. Tumayo ang Punong Barangay ng Cabatacan East, Nicolas Agatep, Sicalao, Tucalan Passing, at Viga.

Kasama ni Tatay Egay ang ilan sa kanyang executive staff upang kunin ang detalye ng immediate requests. Sa pagtatapos, nangakong babalik upang dinggin ang iba pang mga concern o kahilingan.#


RELATED NEWS

linkedin facebook pinterest youtube rss twitter instagram facebook-blank rss-blank linkedin-blank pinterest youtube twitter instagram