Kadiwa ng Pangulo, Launched in Lasam

February 14, 2024

SPEECH DELIVERED BY MAYOR DANTE DEXTER A. AGATEP DURING THE LAUNCHING OF THE KADIWA NG PANGULO AT THE LASAM MUNICIPAL HALL-NATALGED PARK GROUNDS ON FEBRUARY 14, 2024.

Our visitors from the Department of Trade and Industry Region 2 headed by Ma’am Cynthia Talattad-Chief Trade and Industry Specialist-BDD; Sir LORDITO ANTONIO, Chief Trade and Industry-CPD; from the Department of Agriculture Region 2, headed by Ma’am ROSARIO U. PACARANGAN, Chief of the DA Agribusiness Marketing Assistance Service-AMAS; our MLGOO Ma’am Reenie Heidy C. Tollo…

All fellow Local Government Unit of Lasam officials and employees, our SB members, department heads—the local counterparts of the Departments of Agriculture, Interior and Local Government, Trade and Industry, who are at the forefront of organizing this important undertaking...

Our Punong Barangays and all other cooperators for the KADIWA NG PANGULO...Padak a farmers ken consumers...Natalged a bigat; a pleasant morning!

Ang paglulunsad ng KADIWA NG PANGULO dito sa Natalged Park, dito sa ating bayan, ay hindi lamang pakikiisa sa pag-revive ng KADIWAng inumpisahan pa ng dating Pangulong Ferdinand E. Marcos. Hindi na nga bago sa ating pandinig ang salitang KADIWA sapagkat nagkaroon na nito noon. Ang pagpapanumbalik nito ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. ay tanda ng pagbibigay halaga sa sektor ng agrikultura.

At dahil ang Lasam ay isang agricultural municipality, akmang-akma at mainam ang pagkakaroon ng KADIWA upang mabigyan ng oportunidad ang kababayan nating mga magsasakang makapagbenta ng maayos, lalung-lalo kung tatangkilikin ito ng nakararaming consumers.

Kaya’t ang KADIWA ay hindi lamang para sa pinag-iibayong suporta sa Lasameño farmers. Ang pagkakaroon ng KADIWA ay para rin sa kapakanan ng mas maraming consumers o mamimili. Kung ididiretso ng sinumang may produkto ang kanilang paninda sa KADIWA, mas kontrolado ang presyo. Samakatuwid, dahil sa pagkakaroon KADIWA, parehong bentahe ang farmers at consumers.

Sa pagkakataong ito, nais kong ipaalam o i-remind ang adhikaing AGRICULTURAL PRODUCTIVITY at FOOD SECURITY base sa ating NATALGED A LASAM DEVELOPMENT GOAL PILLARS, na siyang gabay natin sa iba’t ibang programs, projects, and activities ng ating pamunuan.

At nais ko rin kayong tanungin mga kapwa ko magsasakang Lasameño, kayong mga stakeholders: may ikagaganda pa ba ang ating mga programa o gawaing pang-agrikultura? Anong inobasyon o improvement ang pwede pa nating gawin upang mapalaki ang kita ng rice, corn farmers, mga nagtatanim ng gulay, cacao, niyog...Halimbawa na lamang ang pagtatanim ng mga gulay Baguio na napakamahal pagdating dito sa atin dahil sa transportation costs.

Hinahamon ko kayong magsumikap tungo sa crop diversification o pagpaparami ng uri ng pananim o agricultural products. Subukan ang intercopping o multi-cropping, upang mapaganda pa ang agricultural productivity; upang masigurado ang sapat na pagkain--ang FOOD SECURITY dito sa ating bayan.

Hangad kong sa paglaon, mas maraming produkto ang dadalhin sa ating KADIWA, sa ating SARILING FARMERS CENTER na ating itatayo sa Public Market. Wen kakailian, iti mabiit addan tun bukod tayu nga KADIWA wenno bagsakan kadagiti produkto tayo idiay public market.

Ipagpasalamat natin ito sa pagtutulungan ng ating Legislative Body--mga SB Members sa pangunguna ni Vice Mayor Randy Cambe at sa masugid na pag-pa follow up mismo ni SB Lilibeth del Rosario, Chairperson ti Committee on Agriculture sa Opisina ni Sen. Imee Marcos at sa DA.

Gayundin ang ibang kasamang nagsusumikap upang makapag-source tayo ng kagayang funding para sa ating mga bagong projects. Salamat din sa magkatuwang na Municipal Planning and Development at Engineering Offices na busy ngayon sa mga susunod pa nating ilulunsad.

Sana’y magkita-kita tayo sa iba pang pop up ng Kadiwa ng Pangulo--gaganapin ito tuwing kinsenas at katapusan. Maraming Salamat, Natalged a Bigat!

RELATED NEWS

linkedin facebook pinterest youtube rss twitter instagram facebook-blank rss-blank linkedin-blank pinterest youtube twitter instagram