Sa Day 3 ng Tinupig Festival 2023, ginanap ang COOKFEST AT EXOTIC FOOD COMPETITION—isang naiibang paligsahan sa nakaraang isang linggong kapistahan ng Bayan ng Lasam noong June 7-13, 2023.
Kung nanunuod ka ng Masterchef o ibang cooking shows sa TV, maihahalintulad sa mga ito ang ginanap na Cookfest sa Natalged a Lasam Arena, na siyang bagong peoples' activity center ng Bayan ng Lasam para sa cultural, educational, recreational, sports, o iba pang events nito.
Ang naganap na Natalged Cookfest ay may tatlong categories.
Parent-child Category
Nakatutuwang panuorin ang pares-pares na mag-aama o mag-iinang cooks sa kategoryang ito.
Ani Gng. Edes G. Castro, ang Committee Chair ng Cookfest, hangarin ng event na mailabas ang talento ng mga mag-aanak, at maipakita ang creativity, at pagtutulungan ng mga kalahok.
Pinagwagihan ito ng isang mag-ama at tinawag silang Natalged Tandem Cooks.
Sa kategoryang ito dapat nasa edad na 6 to 12 years old ang anak na kasama ng isang magulang.
Nagluto sila ng isa putahe mula sa kanilang sariling ingredients. Pagkatapos, nagluto rin sila ng isa pang putahe mula sa piniling ingredients sa pantry. Ang kanilang winning dishes ay Beef Kare-kare at Ginataang Gulay.
Teen Category
Sa kategoryang ito, nagluto naman ang bawat contestant ng isang snack at isang main dish na sasapat sa limang katao, ayon sa time limit.
Matindi rin ang pasarapan ng luto sa individual Teen Category. Na-impress ni Keith ang judges sa lasa, itsura, at sustansya ng kanyang nilutong Ginataang Fish-Veggies at Egg-roll de Chili.
Exotic Dish Category
Nakatututuwa ang judging na naganap para sa Exotic Food Category dahil sa sari-saring exotic dishes na kailangang tikman.
May sisig na wel-wel, ginataang abal-abal o agurong, adobong ibong bukid o ibong ilap, at iba’t ibang luto ng igat.
Ang Rural Improvement Club (RIC) ang nag-sponsor sa kategoryang ito.
Nag-champion ang RIC-Magsaysay sa nilutong Boneless Wel-wel, Second place ang RIC-Ignacio B. Jurado sa kanilang Dinuguang Kuhol, at Third place ang RIC-Peru na nagluto ng Ginataang Bayawak.
Text A. Ursua; Photos Jurado Digital Studios