LGU-Lasam Officials, Nagdaos ng Strat Planning

July 21, 2025

Bilang pagtalima sa directive ni Pres. Ferdinand R. Marcos, Jr., tungkol sa 2025 Newly Elected Officials Performing Leadership for Uplifting Service Program (NEOPLUS), nagsagawa ang LGU-Lasam officials, headed by Mayor Dante Dexter A. Agatep at Vice Mayor Dannah Paula T. Agatep, ng Executive Briefing at Strategic Planning sa Thunderbird Resort, Poro Point, La Union.

Dumalo ang kabuuan ng Executive at Legislative Departments, kasama ang ilang leaders ng civil society organizations at national agencies.

NEOPLUS CAPDEV. Ang NEOPLUS ay capacity development initiative ng Department of Interior and Local Government (DILG) at naimbitahan bilang Resource Person si Municipal Local Government Operations Officer Rosheinee Gumabao ng Allacapan kasama si MLGOO-Lasam Reenie Heidy C. Tollo.

EXECUTIVE LEGISLATIVE AGENDA (ELA) 2024 REVIEW. Nagsilbing Facilitator si Municipal Planning and Development Coordinator, Arch. Rodel T. Urian. Pinangunahan nito ang review ng ELA output noong nakaraang taon, kung saan nakita ng parehong executive at legislative bodies ang accomplishments, gaps, at napagusapan ang mga solusyon.

EXECUTIVE-LEGISLATIVE ALIGNMENT. Dahil kalahati sa bumubuo ng local legislature ay bago o nagbabalik, nagkaroon ng briefing ang Local Chief Executive ng kanyang priority projects, programs, and activities (PPAs). Hangad ni Mayor Agatep na magkaroon ng alignment ang kanyang sariling vision o action plan at ng sa legislators para sa susunod na tatlong taon.

ILANG PASSIONATE TOPICS. Nagkaroon ng mahaba-habang discussions tungkol sa:
* Agricultural Issues – Bilang ang Lasam ay isang farming municipality, may ilang isyung kailangan pang tutukan tulad ng bentahan ng palay sa National Food Authority.

* Local Economy – Priority ang paglago ng local economy. Nagpalitan ng ideas kung papaano pasisiglahin ang business climate at turismo sa Bayan ng Lasam. Bunsod din ito sa ilang pressures ng pagiging isang First Class Municipality ngayong 2025.

* Social Services – Major concern ang social welfare and development kaya may sari-saring kontribusyon ang participants kung paaano mapagbubuti ang buhay ng bawat Lasameño.

Sa pagbabalik Session Hall ng legislative officials at ng bawat department head sa kaniya-kanyang opisina, taglay nila ang klarong direction at strategies sa pagsasakatuparan ng kanilang mandatong manilbihan sa mahigit 40,000 Lasameños.#

w/ reporting Elmer A. Acierto; 📸 Jandee Corpuz

RELATED NEWS

linkedin facebook pinterest youtube rss twitter instagram facebook-blank rss-blank linkedin-blank pinterest youtube twitter instagram