LGU Lasam, Top 3 sa 2024 Socio-economic Spending: Anong Ibig Sabihin Nito?

July 30, 2025

Kinilala ng Department of Finance-Region 2 ang Bayang Lasam bilang Top 3 among Third Class Municipalities sa paggugol—mula 2024 annual spending nito—sa socio-economic projects, programs, and activities.

Umaabot sa halagang PhP 82,953,149.76, o halos 40% mula sa LGU total expenditure na PhP 211,970,856.03 nitong nakaraang taon na Third Income Class pa lamang ang Munisipalidad, ay iginugol para sa:

ECONOMIC DEVELOPMENT. Simula pa noong unang panunungkulan ni Mayor Dante Dexter A. Agatep, batid niyang sadyang mahalaga ang infrastructure development sa pag-usad ng ekonomiyang lokal. Nagtuloy-tuloy ang pagpopondo sa farm-to-market roads, public buildings, at iba pa.

Ilan sa mga naipagawa o naipatayo mula sa sariling LGU funds nitong 2024:

Natalged a Lasam Cacao Processing Center kung saan gumagawa si NALACASACO (Natalged a Lasam Cacao Sustainable Agriculture Cooperative) President Noli P. Garcia ng LASARAP Chocojam
Farm to Market Road sa Barangay Cataliganan
Construction of Public Market Building 2 na operational na ngayon


SOCIAL DEVELOPMENT. Bunsod ng pagpupursigi ng Executive and Legistative officials, napupunan ang probisyon ng national government para sa social services. At ayon kay Municipal Budget Officer Jose A. Rebultan, Jr. may counterpart funding o tinutumbasan din ang mga ito ng local government.

Pangunahing tinutugunan mula sa sariling pondo ng LGU taun-taon ang sumusunod:

Pangangalaga sa Indigenous People constituents tulad ng pagbibigay ng pagkakakilanlan; inaabot nina Mayor Dante Dexter A. Agatep at dating Vice Mayor, now SB Randy C. Cambe ang birth certificates secured by the Local Civil Registry Office
Iba’t-ibang PWD assistance tulad ng wheelchair na inaabot nina SB on Health and Social Services Lilibeth B. del Rosario, MSWDO Head Nenita D. Macaspac, Mayor Dante Dexter A. Agatep, at PWD Officer Rowena Reyes
2024 Recipients ng Natalged a Lasam Educational Assistance Program (NALEA) kasama ang unang 38 college graduates na nabigyan ng tribute pagkatapos ng apat na taong tumanggap ng cash assistance.
Pagbibigay ng modest birthday gift at pagdadaos ng masisiglang gathering para sa Senior Citizens

Ilan lamang itong  programs, projects, at activities na pinagpaplanuhan ng LGU Executive at Legislative departments taun-taon.

Ito ay upang mabigyan ng tamang attention at pantay na pagpapahalaga sa economic at social development dito sa Bayan ng Lasam. Sapagkat ang dalawang aspetong ito ang magbibigay-daan sa mas magandang pamumuhay ng bawat mamamayang Lasameño. #

Ang children’s playground sa Natalged Park

RELATED NEWS

linkedin facebook pinterest youtube rss twitter instagram facebook-blank rss-blank linkedin-blank pinterest youtube twitter instagram