Pinangangasiwaan ngayong “Panagbi-biit” o Second Cropping ng Municipal Agricultural Office, headed by Mun. Agriculturist Carmelita P. Rivera, ang tatlong demo-farms sa mga barangay ng Nabannagan East at West, gayundin sa Ignacio B. Jurado.
LAYUNIN NG DEMO-FARM. Ang pagkakaroon ng demo-farm, katulad nang sa Alannay nitong nakaraan First Cropping, ay upang ma-update ang kaalaman ng mas maraming rice farmers dito sa Bayan ng Lasam.
“Dahil bibihira naman sa mga Lasameños ang lumalaki ang sakahan, kailangang tulungan natin silang padamihin ang kanilang ani,” pagwiwika ni Mayor Dante Dexter A. Agatep nuong ginanap ang AGRI DAY bilang bahagi ng Tinupig Festival 2025.
200 SACKS SA ISANG EKTARYA. Gamit ang siyentipiko at hindi na lamang ang nakagawiang sistema ng pagsasaka, yan ang bilang ng 50-kilo per sack na ani ng Ten Toner Contest winner para sa nakaraang Dry Season.
Sa pamamagitan ng demo-farms, hangad ng pamunuan ni Mayor Agatep na matutunan ng karamihang magsasaka ang subok na makabagong sistema ng pagsasaka.
PRESYO NG PALAY. Bumaba ang presyo ng palay sa grains dealers dahil sa pinababang tariff ng rice imports mula 35% to 15%, upang mapababa ang presyo bigas kada kilo. Hindi ito pabor sa mga magsasaka ngunit ito ang aksyon ng pamahalaan para sa pangkalahatang kapakanan ng mas marami sa mahigit 100 milyong Pilipino.
BENTAHAN NG PALAY SA NFA-LASAM. Maaring magbenta ng dry palay sa NFA-Lasam Warehouse pero may limitasyon sa espasyo at walang pasilidad for rice milling dito. Kung mauubos o mababawasan ang stock na palay, maaari na dapat itong bumili simula FEBRUARY tuwing Dry Season at SEPTEMBER tuwing Wet Season.
LATEST BALITA: Sa meeting ni Gov. Edgar B. Aglipay sa mga alkalde ng lalawigan nitong July 11, 2025, inihayag niyang magkakaloob ng Php 3 million sa bawat LGU na siyang ipambibili ng mga ito ng palay sa presyong bentahe ang mga maliliit na magsasaka. Maaaring lumaki ito ng Php5 million next year, ayon sa ulat. 👉🏻.https://www.facebook.com/share/p/15bwMtUJzW/?mibextid=wwXIfr
Hindi pa man mapagtagpu-tagpo ng agriculture managers ang national policies on rice, dapat darating ang panahong magiging pabor din ang mga polisiyang ito sa rice farmers.#