LPCC Meeting: Kapakanan ng Consumers at Sellers, Tinalakay

February 18, 2024

Maghapon ang naging talakayan ng Local Price Coordinating Council na binubuo ng Department of Trade and Industry principals, LGU officials, at business sector stakeholders sa Natalged Arena nitong February 16, 2024. Kinahapunan, may representation ang iba’t ibang consumers upang pag-usapan ang kapakanan ng mamimili, gayundin ang ilang assistance o business innovation para sa mga namumuhunan.

Binigyang-diin ni DTI R2 Cagayan Consumer Protection-Consumer Advocacy Unit Senior Trade and Industry Development Specialist Teresa Isidra A. Guitering ang responsibilidad ng LPCC sa Bayan ng Lasam.

Sa mensahe ni Mayor Dante Dexter A. Agatep, sinabing: "Mahalaga itong Local Price Coordinating Council Action Planning upang mapagtagpo ang mga concern ng bawat panig: ang nagbebenta at namimili.”

“Kas Ama daytuy Ili tayu nga Lasam, pakaseknak ti pagsayaatan ti amin a sektor—producers man wenno sellers of basic commodities ken kasta met dagiti consumers, dagiti ordinaryo nga Lasameño," aniya.

Ipinaliwanag ni Bangko Sentral ng Pilipinas Officer Maria Elena Madriaga ang mga bagong panuntunan ng BSP sa kaperahan at ilang inobasyon sa pagnenegosyo gaya ng paggamit ng Palengke-QR Code, e-money o digital transaction.

Nagbigay ng orientation si Small Business Corporation Account Officer Lester Bunagan tungkol sa mga business loans na pwedeng i-avail sa mababang interest upang mapalaki ang negosyo.

Sa pagtatapos ng morning session nagbigay ng sariling insights si Municipal Administrator Benefranco F. Alvarez at sinabing "well done" ang kanyang assessment sa undertaking.

Bilang Legislative Chair ng Committee on Trade and Industry, nagpasalamat si SB Member Diocelyn B. Damatac sa mga dumalo lalung-lalo na sa resource speakers.

DTI principals; LGU Lasam officials headed by Mayor Dante Dexter A. Agatep, Municipal Administrator Benefranco F. Alvarez, SB Members Diocelyn B. Damatac at George G. Vega, Jr. sa LPCC Action-planning morning session.

Sa kinahapunang pagtitipon, dumalo ang kinatawan ng iba't ibang sector ng consumers dahil tinalakay rin ang discount privileges ng Persons with Disabilities (PWDs), Senior Citizens, at Solo Parents.

Sa mensahe ni SB Member Emmanuel F. Agatep, Chair ng Committee on Economic Enterprises, ibinalita niya ang gaganaping public hearing sa isang ordinansa tungkol sa proteksiyon ng Lasameño consumers.

Ito ang pagkakaroon ng Price Board, CWAC (Consumer Welfare Assistance Center), at paglalagay ng price tags sa lahat ng paninda on a retail basis sa  Public Market ng Lasam. Ang CWAC ay magsisilbing dulogan ng reklamo ng consumers at mediator kung may aberya sa pagitan namimili at nagtitinda. 

Exhaustive ang talakayan tungkol sa Business Ethics at Fair Trade Laws under DTI na ibinahagi ni Ginang Guitering. Nilinaw ang Price Act na nagpoprotekta sa interes ng bawat mamimili. Halimbawa, ang pagpapairal ng price control kapag may kalamidad o nasa ilalim ng "State of Calamity" ang isang lugar.

Bilang Chair ng Agriculture at Social Welfare, dumalo rin si SB Member Lilibeth Barut del Rosario.

Sa pagtatapos, nagbigay ng acknowledgement sa bawat collaborator ng undertaking si DTI Business Coordinator Kittin A. Supapo.#

Kabilang sa mga dumalo sa afternoon session sina Rowena Reyes - Head ng Persons with Disability Affairs Office, Mrs. Grace A. Farinas - Head ng Office of Senior Citizens Office, Mrs. Lorna Areola ng Lasam Association of Senior Citizens.

RELATED NEWS

linkedin facebook pinterest youtube rss twitter instagram facebook-blank rss-blank linkedin-blank pinterest youtube twitter instagram