"MDRRMO-LASAM BACK-TO-BACK CHAMPION SA PGC RESCUE-LYMPICS 2022MDRRMO-LASAM Inuwi ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO)-Lasam ang back-to-back championship sa katatapos lamang na Cagayan Rescuelympics 2022 na ginanap kahapon, April-7 sa Bangag, Lal-lo. Mula sa 13 tanggapan na nakilahok hindi nagpatinang ang MDRRMO Lasam upang masungkit muli ang kampyeonato. Nag-uwi ang grupo ng P100,000, plaque of recognition at isang rubber boat."
CAGAYAN PDRRMO
"Iniuwi rin ng Cagayan Bureau of Fire Protection (BFP) ang 1st Runner up kung saan P50,000 at plaque of recognition ang kanilang natanggap. Ang tanggapan naman ng MDRRMO-Sanchez Mira ang tinanghal na 2nd runner up at nag-uwi ng P30,000 at plaque of recognition."
CAGAYAN PDRRMO
"Dumaan sa anim na station ang mga kalahok kung saan sa Station 1 ay High Angle Rescue, Station 2 – Water Search and Rescue, Station 3 – Collapse Structure, Station 4 – Patient Management and Packaging, Station 5 - Through the Tunnel, Station 6 – Ambulance Patient Care at nabigyan ng 30 minutes para ito’y tapusin."
CAGAYAN PDRRMO
"Kaugnay nito, hinangaan ni Brigadier General Steve Crespillo, Commander ng 501st Infantry Brigade sa naganap na Rescuelympics Awarding Ceremonies ang lahat ng mga kalahok dahil sa ipinamalas na galing at bilis ng mga rescue teams."
CAGAYAN PDRRMO
"Aniya, malaking tulong ang mga ganitong pagsasanay dahil nadaragdaragan ang kaalaman ng mga rescuers para maging handa sa panahon ng kalamidad. Nag-iwan din ng isang pasasalamat si Governor Manuel Mamba sa lahat ng mga naging kalahok dahil sa ipinapakitang suporta sa mga ganitong aktibidad ng PGC. Ang Rescuelympics ay inorganisa ng PDRRMO sa pangunguna ni Provincial Administrator Col. Darwin Sacramed na siya ring head ng naturang tanggapan na may layunin maging handa ang mga rescue teams sa panahon ng kalamidad. (Digna Bingayen)"
CAGAYAN PDRRMO