Ginanap lamang ang election by show of hands upang pumili ng bagong officers ng Natalged a Lasam Bamboo Growers’ Association, sa nahuling meeting ng members sa Municipal Conference Room nitong June 20, 2025.
Nahalal bilang NALABAGA OFFICERS for 2025-28 ang sumusunod:
President: Sylvia Teresa P. Tolentino
Vice President: Joey D. Tiburcio
Secretary: Aiza A. Mallari
Asst. Secretary: Rhonalie A. Maitem
Treasurer: Levy C. Echanique
Asst. Treasurer: Lorna Cadoy
Auditor: Melecio Galache
PIO: Wilfred Domingo
Board of Directors: Sylvia Teresa Tolentino, Agapito Ilacad, Herminia Callejo, Erlinda Lacuanan, Janet Gabuyo
Sa pagkakaluklok ng bagong NALABAGA officers, inaasahang magkakaroon ng panibagong sigla at yumabong pa ang bamboo industry dito sa Bayan ng Lasam. Itinatag ang NALABAGA noong 2020 dahil sa livelihood potential ng bamboo industry at ang magandang dulot ng pananim na kawayan sa kalikasan.
Todo ang suporta ng pamunuan ni Mayor Dante Dexter A. Agatep sa lokal na industriya ng kawayan, simula pa noong unang panunungkulan ng Alkalde.
Sari-saring industry development programs na ang naganap gaya ng weaving skills training o benchmarking upang mapausbong ang bamboo industry dito sa Bayan ng Lasam. Nitong buwan ng February, dinala ni Mayor Agatep ang buong NALABAGA members at ilang LGU officials sa Bayan ng Quezon sa Isabela para sa isang bamboo industry benchmarking trip.
LOCAL WEAVERS, PINAGAGANDA ANG KANILANG BAMBOO HANDICRAFTS. Ipinagmamalaki ni newly-elected NALABAGA President Sylvia Theresa P. Tolentino ang gumagandang outputs ng local bamboo weavers. Nitong nakaraang Tinupig Festival 2025, ang NALABAGA ang nagsupply ng token baskets para sa mga bisita at event judges.
Ina-assess ngayon ng kabuuan ng NALABAGA officers ang kanilang kakayahang makapag-benta ng bamboo handicrafts sa wider market, base sa available mature bamboo for harvest at ang quality and quantity outputs ng talented o skilled local weavers.
—A. Ursua