Nagtapos lamang ang mga bagong-halal na Punong Barangay, Kagawad, appointed Secretaries at Treasurers, kasama ang SK Chairpersons ng 30 barangay ng Bayan ng Lasam sa BNEO Seminar-training Towards (Grassroots Renewal and Empowerment for Accountable and Transparent) GREAT Barangays na ginanap sa Villa Blanca Hotel, Tuguegarao City nitong nakaraang linggo.
Upang masinsin ang seminar-training, hinati sa tatlong batches ang participants:
Batch 1 – February 15-16 para sa Centro 2, Tucalan Passing, Calapangan Norte, Minanga Sur, Magsaysay, Cataliganan, Ignacio B. Jurado, at Finugo Norte.
Batch 2- February 19-20 sa Calapangan Sur, Viga, New Orlins, Nabannagan East, Cabatacan West, Malinta, Centro 1, Minanga Norte, Peru, at Callao Norte; at
Batch 3 - February 21-22 para sa Gabun, San Pedro, Nabannagan East, Battalan, Centro 3, Nicolas Agatep, Tagao, Aggunetan, Sicalao, Cabatacan East, at Alannay.
Sa dalawang araw na seminar ng bawat batch, nagsalitan ang Resource Speakers, kasama ang pamunuan ng LGU-Lasam, upang maipaliwanag ang legal basis ng pagseserbisyo publiko, desentralisasyon at local governance, gayundin ang competencies ng mahusay na public servants.
Nagsilbing Resource Speakers ang DILG officials sa pangunguna nina Provincial Director Maria Loida Urmatam, LGOO IV Cluster Head Luis E. Udanga, Local Government Officers Reenie Heidy C. Tollo (Lasam), Roshseinee Gumabao (Allacapan), Arvin Espen (Calayan), at Vicente Calimag (Claveria).
Tinalakay naman ni Municipal Planning and Development Coordinator Ar. Rodel T. Urian ang Barangay Development Plan at Capacity Development Agenda at ni Municipal Budget Officer Jose A. Rebultan, Jr. ang Barangay Budget preparation and management.
Nauna nang nagkaroon ng panlahatang Mandatory SK Training bago pa manumpa ang ang mga ito; nakapag-train na rin ang appointive SK Secretaries at SK Treasurers.
Isa sa mga layunin ng BNEO Seminar ay makapag-take part ang bawat barangay sa Sustainable Development Goals ng United Nations—mula macro to micro o grassroots level.
Dumalo si Mayor Dante Dexter Agatep sa bawat pagtatapos upang i-congratulate at magbigay-hamon sa participants para sa epektibo at may integridad na paninilbihan matapos niyang panumpahin ang mga ito noong nakaraang November.
Nagkaroon din ng socialization night ang bawat batch, chance ito ng participants na i-enjoy ang kanilang pagsasama-sama bilang kapwa public servants ng Bayan ng Lasam.#
Rivers of Babylon dance of Batch 2 participants with Mayor Agatep, LNB Vice Pres. Viernes, Info Officer Paat, SB del Rosario... 📹 Jhonalyn Urmanita
💻 Alfred Ursua 📷 Elmer A. Acierto & Participants Infographics mula sa DILG handouts