Pagkalinga at Pagbibigay Kasiyahan sa Lasameño Senior Citizens

May 5, 2024

Ang social service program na “Pagkain sa Mesa Para Kay Lolo at Lola,” ni Congresswoman Baby Aline Vargas Alfonso, ay naglalayong mabigyan ng assistance ang lahat ng senior citizens dito sa Second District of Cagayan na kanyang nasasakupan.

Sa gathering ng mga Nanang, Tatang, Lolo, at Lola sa pitong lokasyon dito sa Bayan ng Lasam, nagkaroon din ng pagkakataon ang Diputadong ilahad ang sari-saring social welfare programs ng kanyang opisina upang mabigyang atensyon ang lahat ng sector ng kanyang constituents.

Sinusugan ito ni Mayor Dante Dexter A. Agatep, Jr. at lubos ang pagpapasalamat sa maraming projects at programs ni Rep. Vargas Alfonso rito sa Bayan ng Lasam.

Pinasalamatan din niya ang assistance ng opisina ni House Speaker Martin Romualdez at ni LPGMA Partylist Rep. Allan U. Ty, na dumating sa unang araw ng payout.

Naging dalawang araw ang schedule ng payout upang mabahagian lahat ng senior citizens mula sa 30 barangays ng Bayan ng Lasam. Kasama ni Congw. Vargas Alfonso sina Second District Board Members Archie Layus, BM Kevin Timbas, at BM Randy Ursulum, gayundin si former BM Vilmer Viloria, at Office of the Vice Gov. Executive J.I. Agatep. Dumating si Dra. Zara de Guzman Lara sa Day 2.

Ang DSWD Region 2, sa pangunguna ni Officer Rose Malabad, ang nag-faciliate sa payout, kasama ang ilang Municipal personnel.

Sa panig ng LGU Lasam, magkakatuwang sina Mayor Agatep, Vice Mayor Randy C. Cambe, SB Lilibeth B. del Rosario, SB Queeny S. Dupaya, SB Kasten V. Asuten, SB Emmanuel F. Agatep, Info Officer Renato R. Paat, Jr., Executive Asst. Isabella G. Lozada, at Office of the Senior Citizens Affairs Mrs. Grace A. Farinas, sa pag-asikaso sa mga bisita, gayundin ang mga concerned Punong Barangay.

Nakatutuwa ang cooperation ng karamihang senior citizens na nag-participate sa ilang pakulo para sa kasiyahan ng mga dumalo. Ang mga "sport" na Lolo at Lola sa Sweetest Couple game, kung saan mistulang naging direktor ng pelikula si Mayor Agatep, ay nakapag-uwi ng karagdagang pabuya, gayundin ang ilang mga may edad 90 at pataas.

— Alfred Ursua; 📸 Regielyn Pascual

RELATED NEWS

linkedin facebook pinterest youtube rss twitter instagram facebook-blank rss-blank linkedin-blank pinterest youtube twitter instagram