Kung maraming livelihoods o gawaing pangkabuhayan sa isang lugar, abala ang mga mamamayan sa pagsusulong ng kanilang pamumuhay. Magkaagapay ang local at national governments upang madagdagan ang mga pinagkakakitaan dito sa Bayan ng Lasam.
DOLE Integrated Livelihood Programs. Nitong September 11, nag-profile lamang ang Public Employment Services Office (PESO) ng mga 30 kataong posibleng mabigyan ng livelihood assistance base sa kanilang pangangailangan at kakayahan.
DSWD Sustainable Livelihood Programs. Kamakailan lang, pinulong naman ng pamunuan ng LGU ang lahat ng SLP Associations na recipient ng grants mula Department of Social Welfare and Development. Iniisa-isa ang status of projects at kanya-kanyang books kung saan agad nagbibigay ng kumento o suhestion sina Mayor Dante Dexter A. Agatep, Executive Asst. Isabella G. Lozada, SB Lilibeth B. del Rosario, at MSWD Officer Nenita D. Macaspac. Nag-alok naman si Vice Mayor Dannah Paula T. Agatep ng kanyang assistance kung paano palakarin ang negosyo ng bawat SLPA.
Gulayan sa Bayan ng Department of Agriculture-RIC. Napili ang Rural Improvement Club Centro 2 na mag-pilot ng GSB dito sa Bayang Lasam. Nabigyan ito ng start-up equipment para sa pagtatayo ng greenhouse at vegetable seeds upang makapag-umpisa at makapamahagi ng pananim na gulay sa mga kabahayan. Magandang complement ito ng HAPAG: Halina't Magtanim ng Prutas at Gulay na programa naman ng DILG.
DILG Livelihood Assistance. May ilang peace-promotion livelihood programs ang Department of Interior and Local Government na tinutulungang ma-implement ng LGU, tulad ng pamimigay ng puhunan upang makapag-umpisa ng maliit na negosyo ang mga dating ligaw ang landas na nagbabalik sa lipunan.
LGU Assistance sa NALABAGA, NALACASACO, AT IBA PA. May iba't-ibang support mechanisms ang LGU sa umuusbong na bamboo, cacao, coconut, o mushroom industries, gayundin sa mga magti-tinupig.
Abala ang cacao coop sa production ng Lasarap food products line sa Natalged Cacao Processing Center na ipinatayo ng LGU sa Centro 3. Maguumpisa na rin ang construction ng kaparehong pasilidad para sa Sicalao Lasam Agriculture Cooperative.
Dapat pahalagahan ang ipinagkakaloob na livelihood assistance, ng individual recipient o grupo man. Kailangang pagpursigehan ito upang magtagumpay o maging sustainable talaga ang proyektong pangkabuhayan.#