Serbisyo publiko sa Bayang Lasam, dumarating sa mga barangay

September 17, 2024

Habang patuloy na inaatupag ng pamunuan ng Local Government Unit of Lasam ang iba't ibang infrastructure projects, sabay din ang pagbibigay atensyon sa mga napapanahong pangangailangan ng mas maraming Lasameño. Dinadala ng LGU-Lasam sa iba’t ibang barangay ang sumusunod na serbisyo publiko.

DENTAL AT MEDICAL MISSION. Tuwing nagbabago ang panahon o temperatura, saka dumarami ang sakit. Bunsod nito, pinag-iibayo ng LGU, sa pamamagitan ng Rural Healh Unit, ang serbisyong pangkalusugan kaya nagdadaos ito ng health mission sa mga barangay. Katatapos lamang ang Dental at Medical Mission sa Nabannagan at Cabatacan West. Susunod na gaganapin ito sa isa o dalawang Riverside barangays.

LIVELIHOOD DEVELOPMENT. Maraming mga barangay ang may nag-uumpisa o mayroong ongoing livelihood development program. Nitong huli, ini-launch lamang ang livelihood project ng Jubilant SLP Association ng Tucalan Passing. Sa Magsaysay naman, kauumpisa ng Sagguniang Kabataan ng kanilang hydroponics lettuce at mushroom growing. Ang mga ito ay initiated or may all-out support ng LGU .  

FARM TECHNICAL ASSISTANCE. Ngayong second rice cropping, ilang mga barangay ang nagpaabot ng suliranin at nanghihingi ng assistance tungkol sa infestation sa mga sakahan. Matapos ang coordination sa Municipal Agricultural Services Office, pinupuntahan ng Agri-Lasam agriculturists at farm technicians ang mga rice farmer na may problema sa kanilang sakahan. Tinitiyak ito ng LGU bilang ang Lasam ay isang bayang agricultural.

GEN Z HEALTH SYMPOSIUM. Binibigyang priority ng LGU ang total adolescent well-being. Iniisa-isang pinupuntahan ng Municipal Health Office ang mga high school, kabilang ang CSU-Lasam, upang mag-conduct ng symposium at maki-relate sa Gen Z Lasameños. Hangarin ng symposium na ma-orient o mapaalalahanan ang mga itong maging self-responsible upang makaiwas sa adolescent life crises by advocating emotional and mental health.  Pinakahuli itong ginanap sa Nabannagan NHS nitong September 18, 2024. 

FEED THE BODY, FEED THE MIND. Sa pamamagitan ng Natalged Reading and Storytelling Caravan, pumupunta ang literacy team ng LGU-Lasam sa mga barangay upang mag-kwento nang maenganyo ang young Lasameños na magbasa alang-alang sa functional literacy development. Magtutungo ang Reading and Storytelling Caravan sa Tagao nitong September 23.

BDRRMC SUPERVISION. Para sa kaligtasan ng lahat ng Lasameño sa panahon ng sakuna, nakaalalay ang Municipal Disaster Risk and Reduction Office sa BDRRMC counterpart nito sa bawat barangay. In times of emergency rescue, gamit na gamit ang Disaster Aksyon Agad emergency vehicle na ipinamahagi ng LGU sa mga naunang nabigyang barangay.

 — A. Ursua

RELATED NEWS

linkedin facebook pinterest youtube rss twitter instagram facebook-blank rss-blank linkedin-blank pinterest youtube twitter instagram